GNED14 - Midterms Exam

studied byStudied by 43 people
5.0(1)
get a hint
hint

Panitikan

1 / 109

encourage image

There's no tags or description

Looks like no one added any tags here yet for you.

Studying Progress

0%
New cards
110
Still learning
0
Almost done
0
Mastered
0
110 Terms
1
New cards

Panitikan

Ito ay ginagamit ng mga tao upang magpahayag ng kanilang nararamdaman, mga naiisip mga karanasan at hangarin sa pamamagitan.

New cards
2
New cards

Panahon ng Katutubo

Sa panahong ito karaniwan sa panitikan ng kanilang tinataglay ay yaong pasalin-dila gaya ng bulong, tugmang bayan, bugtong epiko. Anong panahon ito sa kasaysayan ng Panitikan?

New cards
3
New cards

Pananakop ng Kastila

Ang panahong ito ay dumatingsila na ang pangunahing layunin ay ihasik ang Kristiyanismo, maghanap ng ginto at upang lalongmapabantog sa pamamagitan ng pagdaragdag ng kanilang nasasakop.

New cards
4
New cards

Ang tatlong Gs ng mga Kastila

  • GOD

  • GOLD

  • GLORY

New cards
5
New cards

Ang dalawang panitikan sa panahong Kastila

  • Pamaksang pananampalataya at kabutihang-asal

  • Panitikang panrebolusyon.

New cards
6
New cards

PANANAKOP NG AMERIKANO

Ang pananakop ng bansang ito sa Pilipinas, na nangangahulugang ang Pilipinas ay itinuring na isang teritoryo ng bansang ito ay magmula 1898 hanggang 1946.

New cards
7
New cards

Sinakop ng mga Amerikano ang Bansang Pilipinas dahil:

  1. Mayaman ang Bansang Ito sa mga Likas na Yaman.

  2. Gusto nila itong gawing imbakan ng mga materyales.

  3. Sentrong Pamilihan.

New cards
8
New cards

PANANAKOP NG HAPONES

Ang Pananakop ng bansang ito sa Pilipinas ay ang panahon sa kasaysayan ng pilipinas mula 1942 hanggang 1945 noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig kung kalian nilusob ng Imperyo ng bansang ito ang Pilipinas na dating tinatabanan o nasa ilalim ng kapangyarihan ng estados unidos.

New cards
9
New cards

Dalawang anyo ng Akdang Pampanitikan

  1. Patula

  2. Tuluyan

New cards
10
New cards

Patula

Pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang binibilang  ng patnig sa taludtod na pinagtugma-tugma ng ga dulo ng mga taludtod sa isang saknong.

New cards
11
New cards

Tuluyan

Maluwag na pagsama-sama ng mga salita sa loob ng pangungusap o pagpapahayag. Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o pahayag.

New cards
12
New cards

Liriko o Tula ng damdamin

Nagsasaad ng marubdob na karanasan, guni-guni o damdamin ng may akda. Karaniwan sa uri nito ang oda, dalit, soneto, elehiya, at awit.

New cards
13
New cards

Pasalaysay

Mga tulang may kwento at mga tauhang gumagalaw. Karaniwang pinapaksa rito ang mga kagitingan ng mga bayani p pakikipag digma tulad ng epiko, awit at korido.

New cards
14
New cards

Tulang Pandulaan

Mga dulang nasusulat nang patula ng senakulo, tibag o sarswela.

New cards
15
New cards

Tulang Patnigan

Tagisan ng talino sa paraang patula tulad ng karagatan, duplo at balagtasan.

New cards
16
New cards

Mga Elementong Lumilikha ng mga Akdang Pampanitikan

Ang mga akdang pampanitikan ay nililikha at nabubuo sa pamamagitan ng iba’t- ibang elementong gumaganap ng mahahalagang tungkulin upang ang mga obra maestra sa larangang ito ng sining ay magkaroon ng buhay.

  1. Kapaligiran

  2. Karanasan

  3. Salik sa Lipunan at Pulitika

  4. Salik ng panrelihiyon

New cards
17
New cards

Kapaligiran - Mga Elementong Lumilikha ng mga Akdang Pampanitikan

Binibigyang pansin ang isang pook. Kasama ang iba’t-ibang sangkap na kalikasan katulad ng klima, mga likas na yaman, mga pisikal na kapaligiran at mga kaugnayan nito.

New cards
18
New cards

Karanasan - Mga Elementong Lumilikha ng mga Akdang Pampanitikan

Dito maraming napupulot na pangyayari, sitwasyon at banghay na mapapaghanguan ng paksa sa iba’t-ibang uri ng akda

New cards
19
New cards

Salik sa Lipunan at Pulitika - Mga Elementong Lumilikha ng mga Akdang Pampanitikan

Ang mga gawain na may kaugnayan sa lipunan gayundin sa politika ay isang malaking bahagi ng pagdadala ng mga kaugalian, karanasan, kalinangan at kabihasnan ng isang pook o bansa

New cards
20
New cards

Salik ng panrelihiyon - Mga Elementong Lumilikha ng mga Akdang Pampanitikan

Maraming mga akdang nakilala hindi lamang sa pilipinas kundi sa buong daigdig ang pumaksa sa salik na ito. Hindi natin matatawaran na ang pananampalataya na natutuhan natin sa mga dayuhan ay nagkaroon ng malaking impluwensiya upang an gating manunulat sa ibat- ibang panahon ay makasulat ng mga obra- maestrang panghabang panahon.

New cards
21
New cards

12 akdang pampanitikan ng iba’t ibang bansa

  1. Banal na kasulatan (Bibliya)

  2. Koran ( Bibliya ng mga Mohamedan)

  3. Illiad o Odessey ni Homer

  4. Mahabarata mula sa India

  5. Divine Comedy ni Dante Aleghiere at mula sa Italy

  6. El cid Campedor mula sa Espanya

  7. The Song of Roland ng Pransia

  8. Five Classic of Four Books

  9. Book of Dead

  10. A thousand and one nights

  11. Canterbury Tales ni Chaucer

  12. Uncle Tom’s Cabin- Ni Harriet Beecher Stowe ng Amerika

New cards
22
New cards

Banal na kasulatan (Bibliya) - Mga Impluwensya ng Panitikan ng Ibang Bansa

Mula ito sa Palestina at naging batayan ng sangkakristiyanuhan. Nahahati sa dalawang bahagi: Ang lumang tipan at ang bagong tipan.

New cards
23
New cards

Koran ( Bibliya ng mga Mohamedan) - Mga Impluwensya ng Panitikan ng Ibang Bansa

Mula sa Arabia at nagtataglay ng mga kaisipan at kautusang siyang sumusunod hanggang sa ngayon ng mga Mohamedan.

New cards
24
New cards

Illiad o Odessey ni Homer - Mga Impluwensya ng Panitikan ng Ibang Bansa

Mula ito sa Gresya at tumatalakay sa mga pakikipagsapalaran ng mga greko noong kanilang kapanahunan.

New cards
25
New cards

Mahabarata mula sa India - Mga Impluwensya ng Panitikan ng Ibang Bansa

Ito ay tinuturing na mabahang tula sa daigdig (220,000 taludtod o linya). Tumatalakay ito sa pakikipag sapalaran ng mga pinunong Indo-Aryan.

New cards
26
New cards

Divine Comedy ni Dante Aleghiere at mula sa Italy - Mga Impluwensya ng Panitikan ng Ibang Bansa

Tinalakay naman dito ang isang paglalakbay sa langit, impyerno at purgatory at nagpapakilala na ang tao ay huhusgahan sa pamamagitan ng pamumuhay niya sa lupa.

New cards
27
New cards

El cid Campedor mula sa Espanya - Mga Impluwensya ng Panitikan ng Ibang Bansa

Nagpakilala ito sa katangiang panlahi ng mga kastila at ng kanilang mga alamat at kasaysayang pambansa noong unang panahon.

New cards
28
New cards

The Song of Roland ng Pransia - Mga Impluwensya ng Panitikan ng Ibang Bansa

Kinapapalooban ito ng kwentong Roncesvalles at ang lalong kilalang Doc Pares ng Pransia. Ito ay nagtataglay ng kasaysayan ng gintong panahon ng kakristiyanuhan sa Pransia.

New cards
29
New cards

Five Classic of Four Books - Mga Impluwensya ng Panitikan ng Ibang Bansa

Mula ito sa Tsinan a kinatitikan ng magandang kaisipan at pilosopiya ni Confucius. Naging batayan ang mga aklat na ito ang pananampalataya, kinalinangan at kasaysayan ng mga intsik nan aka apekto sa atin.

New cards
30
New cards

Book of Dead - Mga Impluwensya ng Panitikan ng Ibang Bansa

Libro ng Ehipto na pinakalooban ng mga kulto ni Osiris at mitolohiya at teolohiyang Ehipto.

New cards
31
New cards

A thousand and one nights - Mga Impluwensya ng Panitikan ng Ibang Bansa

Ng Arabia at Persia na nagtataglay ng mga kaugaliang pampamahalaan, pangkabuhayan, pangkalinangan at panrelihiyon ng mga taga silangan,

New cards
32
New cards

Canterbury Tales ni Chaucer - Mga Impluwensya ng Panitikan ng Ibang Bansa

Na Inglatera na naglalaman ng mga pananampalataya at pag-uugali ng mga Ingles noong unang panahon,

New cards
33
New cards

Uncle Tom’s Cabin-Ni Harriet Beecher Stowe ng Amerika - Mga Impluwensya ng Panitikan ng Ibang Bansa

Binigyang ang karumal dumal na kalagayan ng mga itim na kamay ng mga puti at siyang naging batayan ng simulain ng demokrasya sa daigdig. Ito rin ang naging inspirasyon ni Dr. Jose Rizal upang maisulat at mabuo ang Noli Me Tanggere  at El Filibustirismo.

New cards
34
New cards

Ang mga Kasangkapang Pampanitikan na nagbibigay-Anyo ng Akda

  1. Ang mga sentidong panlabas (“external senses”) tulad ng paningin, pandinig, pang amoy panlasa, pansalat;at

  2. Ang mga sentidong panloob (“internal senses”) tulad ng imahinasyon o guni guni , memorya pang-unawa, at huwisyo at o pagpapaasya.

New cards
35
New cards

estetika

Ang salitang ito ay nanggaling sa salitang Griyego “aesthesis” na nangangahulugang “pakiramdam”, o dating ng anumang persepsyon sa mga sentido (panlabas o panloob) ng tao.

New cards
36
New cards

Layon ng estetika

  1. Persepsyon ng mga sebtidong panlabas at mga;

  2. Konsepto na bunga ng mga sentidong panloob.

New cards
37
New cards

Denotasyon

ay ang karaniwan at likas o “literal“ na kahulugan ng salita o pangungusap. Ito ang kahulugang madaling mahanap sa diksyunaryo.

New cards
38
New cards

Konotasyon

Ang tawag sa mga implikasyong tinataglay ng mga salita o pananalita. Ang mga implikasyong ito ay maaring mag dulot ng pahiwatig na pananaw o saloobin na taglay ng salita, tulad halimbawa ng salitang “ basura”.

New cards
39
New cards

Diksyon

Ang tawag sa paggamit ng mga salita na ipinalalagay na bunga ng maingat at makabuluhang pagpili ng mga salitang ginagamit ng manlilikha upang makamit niya ang pinaka mabisang paraan ng pagpapatalastas ng kanyang nais ipahatid.

New cards
40
New cards

Mga kasangkapang panretorika

Ay tumutukoy sa mga pamamaraan ng ginagamit ng akda upang makamtam ang pinaka mabisang epekto ng mga pangungusap at komposisyon at mga sangkap nito.

New cards
41
New cards

Mga kasangkapang pansukat

Ang tawag sa mga pamamaraan na ginagamit ng akda, lalo na ang tula upang bigyan ng angkop at kaaya- ayang daloy ang indayog ng mga salita at pangungusap kapag ito ay binibigkas.

New cards
42
New cards

Mga kasangkapang metaporikal

Ang mga ginagamit na tayutay na nagpapayaman sa pkabuluhan at kahulugan ng akda.  Dito kabilang ang mga simili,metaphor, at iba pa.

New cards
43
New cards

Tono

Ang nagsasabi kung ano ang saloobin na nakapaloob sa teksto.

New cards
44
New cards

Istruktura

Binibigyang halaga ang pangkahalatang kaayusan at pagkakahanay ng mga bahagi ng isang akda. Sa dulaang klasiko, ito ay lumalabas sa anyong;

a. Eksposisyon

b. Kumplikasyon

c. Resolusyon

New cards
45
New cards

Sanaysay

Ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuro-kuro ng may-akda. Ito rin ay ang pagtalakay sa isang paksa sa paraang tuluyan at sa malayang paraang naglalantad ng kaisipan, kuro-kuro, palagay at ng kasiyahan ng sumusulat upang umaliw, magbigay kaalaman o magturo.

New cards
46
New cards

sanay at pagsasalaysay.

Ang dalawang salita na pinagmulan ng sanaysay.

New cards
47
New cards

Dalawang Uri ng Sanaysay

  1. Palagayan / Impormal

  2. Maanyo / Pormal

New cards
48
New cards

Palagayan / Impormal - Uri ng Sanaysay

malikhaing paghahayag ng saloobin mula sa mga personal na karanasan o obserbasyon sa mga bagay sa paligid.

New cards
49
New cards

Maanyo / Pormal - Uri ng Sanaysay

Diskusyon ng mga seryosong paksa batay sa pagsasaliksik at pag-aaral ng mga impormasyon.

New cards
50
New cards

Elemento ng Sanaysay

  1. Pamagat (Title)

  2. Thesis

  3. Organisasyon

  4. Pasimula (Introduksyon)

  5. Katawan (Body)

  6. Kongklusyon (Conclusion)

New cards
51
New cards

Pamagat (Title) - Elemento ng Sanaysay

Nagsasaad kung ano ang nilalaman ng sanaysay, at nakatutulong ito sa mga mambabasa upang makuha ang kanilang atensyon.

New cards
52
New cards

Thesis - Elemento ng Sanaysay

Ito ang masasabing "punto" ng sanaysay; kung ano ba ang nais naipahayag ng manunulat.

New cards
53
New cards

Organisasyon - Elemento ng Sanaysay

Kung paano ba nakaayos ang mga laman ng sanaysay. Sa pagsulat nito, dapat na may magandang pagkakaayos ang laman mula sa umpisa hanggang sa dulo ng sanaysay, at dapat madaling maiintindihan ng mambabasa kung anong nais mong sabihin.

New cards
54
New cards

Pasimula (Introduksyon) - Elemento ng Sanaysay

Unang talata ng sanaysay na nagpapakilala sa laman nito o mga impormasyong mahalaga upang maintindihan ang thesis.

New cards
55
New cards

Katawan (Body) - Elemento ng Sanaysay

Mga sumusoportang talata sa thesis. Naglalaman ito ng mgapunto na nagbibigay-diin sa mensahe ng sanaysay.

New cards
56
New cards

Kongklusyon (Conclusion) - Elemento ng Sanaysay

Dito ibinubuod ang lahat ng laman ng sanaysay. Hindi katulad ng pasimula kung saan isinasaad ang punto ng sanaysay, dito naisisaad ng manunulat na tama ang kanyang mga sinasabi.

New cards
57
New cards

Dula

Ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan.

New cards
58
New cards

Sangkap ng Dula

  1. Simula

  2. Gitna

  3. Wakas

New cards
59
New cards

Simula - Sangkap ng Dula

Dito naipamamalas ang tagpuan, tauhan, at sulyap sa suliranin.

New cards
60
New cards

Gitna - Sangkap ng Dula

Dito matatagpuan ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at ang kasukdulan.

New cards
61
New cards

Wakas - Sangkap ng Dula

Dito matatagpuan ang kakalasan at ang kalutasan.

New cards
62
New cards

Katangian ng Isang Dula

  1. Awdiyo-biswal ang dula.

  2. Binubuo ng mga diyalogo ang dula.

  3. Binubuo ng mga galaw ang dula.

  4. Tumutugon ang dula sa mga limitasyon ng entablado.

  5. Tuloy-tuloy ang mga eksena sa isang dula.

  6. May tiyak na haba ang isang dula.

  7. May iba’t ibang anyo o uri ang dula.

  8. Ang itinatanghal na dula ay isang kolaborasyon.

New cards
63
New cards

Elemento ng Dula

  1. Iskrip o Nakasulat na Dula

  2. Tauhan o Aktor

  3. Tanghalan o Tagpuan

  4. Tagadirehe o Direktor

  5. Manonood

New cards
64
New cards

Iskrip o Nakasulat na Dula - Elemento ng Dula

Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip.

New cards
65
New cards

Tauhan o Aktor - Elemento ng Dula

Ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng diyalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula.

New cards
66
New cards

Tanghalan o Tagpuan - Elemento ng Dula

Anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan; tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase.

New cards
67
New cards

Tagadirehe o Direktor - Elemento ng Dula

Ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip.

New cards
68
New cards

Manonood - Elemento ng Dula

Hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtatanghal kung hindi ito napanood ng ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula’y maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o makanood.

New cards
69
New cards

Maikling Kwento

Ito ay isang akdang pampanitikan sa tuluyan na sa pamamagitan ng mga pangungusap at talata’y binubuo ng may-akda upang sa kanyang kapangyarihan at kakayahan bilang isang alagad ng panitikan, mailahad niya ang isang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan, makapagkintal ng isang bisa sa puso at diwa ng mga mambabasa.

or

Ito ay akdang pampanitikan na naglalahad ng pangyayari sa buhay, o di kaya’y mga babasahin tungkol sa hayop.

New cards
70
New cards

Elemento ng Maikling Kwento

  1. Tauhan

  2. Tagpuan/Panahon

  3. Saglit na kasiglahan

  4. Suliranin o Tunggalian

  5. Kasukdulan

  6. Kakalasan

  7. Wakas

New cards
71
New cards

Tauhan - Elemento ng Maikling Kwento

Likha ng mga manunulat ang kanyang mga tauhan. May pangunahing tauhan kung kanino nakasentro ang mga pangyayari at mga pantulong na tauhan.

New cards
72
New cards

Tagpuan/Panahon - Elemento ng Maikling Kwento

Dinadala ng may-akda ang mambabasa sa iba't ibang lugar, sa iba't ibang panahon kung saan at kailan nagaganap ang mga pangyayari.

New cards
73
New cards

Saglit na kasiglahan - Elemento ng Maikling Kwento

Inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa pagkilala sa mga pagsubok na darating sa buhay ng mga tauhan

New cards
74
New cards

Suliranin o Tunggalian - Elemento ng Maikling Kwento

Tumutukoy ito sa paglalabanan ng pangunahing tauhan at sumasalungat sa kanya. Ang tunggalian ay maaaring tao laban sa kalikasan, tao laban sa sarili, tao laban sa tao/lipunan.

New cards
75
New cards

Kasukdulan - Elemento ng Maikling Kwento

Ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan. Dito nahihiwatigan ng bumabasa ang mangyayari sa pangunahing tauhan, kung siya'y mabibigo o magtatagumpay sa paglutas ng suliranin.

New cards
76
New cards

Kakalasan - Elemento ng Maikling Kwento

Ito ang kinalabasan ng paglalaban. Sumusunod ito agad sa kasukdulan.

New cards
77
New cards

Wakas - Elemento ng Maikling Kwento

Tinatawag na trahedya ang wakas kapag ang tunggalian ay humantong sa pagkabigo ng layunin o pagkamatay ng pangunahing tauhan. Tinatawag na melodrama kapag may malungkot na sangkap subalit nagtatapos naman nang kasiya-siya para sa mabubuting tauhan

New cards
78
New cards

Tula

Ginagamit ito upang mabisa at malikhaing maiparating ang damdamin sa pamamagitan ng mga salita at tugma.

New cards
79
New cards

Uri ng Tula

  1. Tulang Damdamin o Tulang Liriko

  2. Tulang Pasalaysay

  3. Tulang Patnigan (Joustic Poetry)

  4. Tulang Pantanghalan o Padula

New cards
80
New cards

Tulang Damdamin o Tulang Liriko - Uri ng Tula

Mula sa pangalan ng uri, ito ay sumasalamin lamang sa damdamin ng makata o sumusulat ng tula.

Iba't ibang uri ng tulang liriko:

  • Awit

  • Soneto

  • Oda

  • Elehiya

  • Dalit

New cards
81
New cards

Tulang Pasalaysay - Uri ng Tula

Ito naman ay nakatuon sa pagkukuwento o pagpapakita ng balangkas ng isang pangyayari. Walang bilang ng taludtod, saknong, o pantig ang tulang pasalaysay.

Iba't ibang uri ng tulang pasalaysay:

  • Epiko

  • Awit o Korido

New cards
82
New cards

Tulang Patnigan (Joustic Poetry) - Uri ng Tula

Ito naman ay isang uri ng tula na nakatuon sa pagbibigay ng damdamin habang mayroong kapalitan ng opinyon o kuro-kuro.

Iba't ibang uri ng tulang patnigan:

  • Balagtasan

  • Karagatan

  • Duplo

  • Fliptop o Battle Rap

New cards
83
New cards

Tulang Pantanghalan o Padula - Uri ng Tula

Ito ay mga piyesa o tulang itinatanghal sa mga dulaan o teatro. Karaniwan itong binibigkas ng patula sa saliw ng tunog o musika upang mas maging kagiliw-giliw sa mga manonood.

New cards
84
New cards

Elemento ng Tula

  1. Sukat

  2. Saknong

  3. Tugma

  4. Kariktan

  5. Talinghaga

  6. Anyo

  7. Tono/Indayog

  8. Persona

New cards
85
New cards

Sukat - Elemento ng Tula

Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.

New cards
86
New cards

Saknong - Elemento ng Tula

Ito ay isang grupo sa loob ng isang tulang maydalawa o maraming linya (taludtod).

New cards
87
New cards

Tugma - Elemento ng Tula

Isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng ga akdang tuluyan. Sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog. Lubha itong nagpapaganda sa pagbigkas ng tula. Nagbibigay ito sa tula ng angkin nitong himig o indayog.

Dalawang Klase ng Tugma

  • Tugmaang Ganap (Assonance)

  • Tugmaang Di-ganap (Consonance)

New cards
88
New cards

Kariktan - Elemento ng Tula

Kailangang magtaglay ang tula ng mga salitang hindi lang maririkit kundi angkop na angkop (kailangang marunong pumili ang makata ng salitang gagamitin) sa tema ng tula; gayundin, mapukaw ang damdamin at kawilihan ng mga mambabasa.

New cards
89
New cards

Talinghaga - Elemento ng Tula

Tumutukoy ito sa paggamit ng mga matatalinghagang salita at mga tayutay

Klase ng Talinghaga

  • Tayutay

New cards
90
New cards

Anyo - Elemento ng Tula

Ang porma ng tula; malayang taludturan o tradisyunal (may sukat at tugma); sa kasalukuyan ay may mga tula ring may sukat pero walang tugma at walang sukat pero may tugma.

New cards
91
New cards

Tono/Indayog - Elemento ng Tula

Ang diwa ng tula

New cards
92
New cards

Persona - Elemento ng Tula

Tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa, o ikatlong panauhan; maaaring ang makata mismo o isang hayop o isang bagay.

New cards
93
New cards

KLASISMO/KLASISISMO

Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan. Halimbawa: Florante at Laura

New cards
94
New cards

HUMANISMO

Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp. Halimbawa: Titser Ni Liwayway Arceo

New cards
95
New cards

IMAHISMO

Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adka na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita.

Halimbawa: Panambitan Ni Myrna Prado

New cards
96
New cards

REALISMO

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaefektibo ng kanyang sinulat.

Halimbawa: Laro sa Baga ni Edgar Reyes

New cards
97
New cards

FEMINISMO

Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipimayagpag ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.

Halimbawa: Saandaang Damit ni Fanny Garcia

New cards
98
New cards

EKSISTENSYALISMO

Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence).

Halimbawa: Ako ang Daigdig ni Alejandro G. Abadilla

New cards
99
New cards

ROMANTISISMO

Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan.

Halimbawa: Maganda Pa Ang Daigdig ni Lazaro Francisco

New cards
100
New cards

Dalawang uri ng Romantisismo

  1. Romantisismong Tradisyunal

  2. Romantisismong rebulusyunaryo

New cards

Explore top notes

note Note
studied byStudied by 13 people
Updated ... ago
5.0 Stars(1)
note Note
studied byStudied by 5 people
Updated ... ago
5.0 Stars(1)
note Note
studied byStudied by 7 people
Updated ... ago
5.0 Stars(1)
note Note
studied byStudied by 9 people
Updated ... ago
5.0 Stars(1)
note Note
studied byStudied by 83 people
Updated ... ago
5.0 Stars(2)
note Note
studied byStudied by 215 people
Updated ... ago
4.5 Stars(2)
note Note
studied byStudied by 12 people
Updated ... ago
5.0 Stars(1)
note Note
studied byStudied by 8367 people
Updated ... ago
4.7 Stars(53)

Explore top flashcards

flashcards Flashcard66 terms
studied byStudied by 5 people
Updated ... ago
5.0 Stars(3)
flashcards Flashcard43 terms
studied byStudied by 21 people
Updated ... ago
5.0 Stars(1)
flashcards Flashcard35 terms
studied byStudied by 5 people
Updated ... ago
5.0 Stars(1)
flashcards Flashcard104 terms
studied byStudied by 13 people
Updated ... ago
5.0 Stars(1)
flashcards Flashcard38 terms
studied byStudied by 4 people
Updated ... ago
5.0 Stars(1)
flashcards Flashcard105 terms
studied byStudied by 25 people
Updated ... ago
5.0 Stars(1)
flashcards Flashcard120 terms
studied byStudied by 326 people
Updated ... ago
5.0 Stars(2)
flashcards Flashcard40 terms
studied byStudied by 352 people
Updated ... ago
4.5 Stars(8)